Ellen Adarna sinagot ang tanong tungkol sa ex ni John LLoyd na hindi maka-move-on

Kahapon, February 4, nag-post si Ellen Adarna sa Instagram ng throwback photo kung saan kasama niya ang boyfriend na si John Lloyd Cruz at ang anak ng kaibigang si Beauty Gonzalez.

Isang follower ang nagkomento, sa wikang Bisaya, tungkol sa isang “feelingera” na hindi pa raw nakaka-“move on.”

Ayon kay @ofw_hinanaings, “Besh, pasuyaa ug maayo tong feelingera besh bhe kay makalagot sya di gihapon ka move on uy!!! Peshtey!!!”

(Besh, pagselosin mo lalo yung nagpi-feeling besh ha, kasi nakakainis na siya hindi pa talaga maka-move on uy!!! Peste!!!)

Sagot dito ni Ellen, “@ofw_hinanaings makaingun to ug ‘ay kog labda dzai.’”

(Sasabihin nun, ‘Huwag niyo akong gawing sakit ng ulo, ‘Dai.’)

Nitong mga nakaraang linggo ay naghayag si Angelica Panganiban ng hugot lines tungkol sa kanyang ex-boyfriend at sa bago nitong karelasyon.

Wala mang binanggit na pangalan ang Kapamilya actress, marami ang naniniwalang ang tinutukoy niya ay ang ex-boyfriend na si John Lloyd at ang girlfriend ngayon ng aktor na si Ellen.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin ni Ellen sa publiko ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Late last year, eksklusibong ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang pagdadalantao sa una nilang anak ni John Lloyd.

Nag-leave of absence si John Lloyd sa showbiz at simula noon, madalas na silang makitang magkasama ni Ellen.

Napapabalita pa ngang nagpaplano na silang magpakasal at magpapatayo na ng sariling bahay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s