Netizen calls Vicki Belo “hindi maganda”, Hayden Kho nag-preach!

Sinagot ni Dr. Hayden Kho Jr. ang isang basher na umalipusta sa asawa niyang si Dr. Vicki Belo.

Sa Instagram, nag-post ang 37-anyos na doktor ng larawan nilang mag-asawa na kuha sa kasal ni Atom Henares, ex-husband ni Vicki.

Sa comments section, isang netizen ang pinasaringan si Vicki.

Sabi ng basher, “Mabuti pa yung Gown maganda. Bakit ganun anu, pinapaganda ang mga me pera at mga personality pero siya mismo hindi gumanda! Just saying.”

Sa halip na sagutin, nagbahagi si Hayden ng isang Bible verse na nagsasabing ang lumalabas sa bibig ng tao ay ang nilalaman ng puso nito.

Kinampihan naman ng ibang netizens si Hayden at binatikos ang basher sa panlalait nito kay Vicki.
May dalawa pang netizens na sinagot si Hayden na nagpapatunay na kabutihan ni Vicki.

Komento ni @cebucuties, may mabuting puso si Vicki.

Sagot ni Hayden, “She has a heart of a child. Innocent, pure.”

Isang patotoo naman ang ibinahagi ni @dxnisechan_ na ibinahagi ang kabutihan sa kanya ni Vicki nang lapitan niya ito.

Ikinuwento ng netizen kung paano siya binigyan ni Vikci ng libreng medikasyon at discounted doctor’s fee dahil isa siyang single parent.

Sa pangalawang beses na paglapit niya kay Vicki, humingi siya ng tulong sa doktora para sa kanyang anak na may malaking problema sa acne.

Hindi raw itinaas ni Vicki ang kanyang charges at fee pagkatapos ng maraming taon.

Sagot naman ni Hayden, “That’s Vicki. Generous to a fault, and she doesn’t say a thing about her giving.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s