Bela Padilla na-offend sa mga comment tungkol sa kanila ni Daniel Padilla

Inamin ni Bela Padilla na nagsasawa na siya sa mga tanong ng netizens tungkol sa blood relation nila ni Daniel Padilla.

Sa mga hindi pa nakakaalam, sina Bela at Daniel ay second cousins dahil ang lola ng aktor na si Eva Cariño-Padilla at lola ng aktres ay magkapatid.

Ipinaliwanag ito ni Bela sa netizens sa pamamagitan ng Instagram post noong January 28, kung saan kasama niya si Daniel sa larawang kuha sa backstage ng ASAP sa ABS-CBN compound.

Pinagsabihan din niya ang ilang nagkomento nang hindi maganda sa kanilang larawan.

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda nitong Martes, February 6, ipinaliwanag ni Bela ang tungkol dito.

Nagtataka kasi siya kung bakit hanggang ngayon ay isyu pa rin sa iba ang pagiging miyembro niya ng Padilla clan.

Ayon kay Bela, “Medyo I’m very cool about these things. I honestly don’t care.

“And when I posted it, and when I saw the comment, I didn’t care at that time.

“Pero nung nakita ko na dumami nang dumami, tapos ang dami nang nag-a-argue…

“‘Tapos nairita na rin po ako kasi parang, first of all, why do you have to keep questioning it?

“You guys don’t know we all grew up with each other.

“I would spend summers in Tito Robin’s [Padilla] house. I grew up with his daughters.

“Parang, I just feel, like, ‘Why does my blood has to be questioned?'”

Diin pa ng aktres, “No, I’m not a Padilla, I’m a Sullivan ‘coz my dad is British.

“But we share the same blood. ‘Coz we’re all Cariños.

“So, parang I just feel like parang pauli-ulit.”

Ayon din kay Bela, magpinsang-buo si Robin at ang kanyang ina, at lumaki sila sa iisang compound.

“And we’re very clannish. So, growing up, I didn’t have a barkada so much, what I have are cousins.”

Kasunod na tanong kay Bela ang tungkol sa konteksto ng mga komento sa kanyang larawan kasama ang pinsang si Daniel sa Instagram.

Sagot ng Meet Me in St. Gallen actress, “I saw a few comments that I deleted ‘coz I got offended na parang they said… na parang they were pissed off na Daniel was in a picture with another girl.

“Parang they were putting color into it. So, I deleted those kasi kadiri, e, magpinsan kami.

“So, yun, dinelete ko, kasi parang nag-post ka ng masayang photos…”

Kuwento ni Bela, “Si DJ [Daniel] ang tumawag sa akin na nasa ASAP kami together.

“He informed me na Tito Robin is backstage, puntahan namin.

“So, alam mo yun, na it’s very rare na nga na we see each other ‘coz our schedules are always so bad.

“Pero ako, okay lang naman. Yun lang, huwag na sanang paulit-ulit.

“Kung hindi pinsan, e, di sige, hindi ko na lang siya pinsan, matapos na lang.”

source: PEP.PH

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s