Erich Gonzales talks about her rich suitor

May balitang isang guwapo, matalino, at mayamang binata ang nanliligaw ngayon kay Erich Gonzales.

Gumagamit pa nga raw ng private plane ang binata sa tuwing dumadalaw sa Kapamilya actress.

Ang source ng balita ay ang kaibigan mismo ni Erich na si Kris Aquino.

Ito ay bilang pagbibigay ng malasakit at suporta ng TV host-actress nang maugnay si Erich kay Paul Soriano, direktor at asawa ni Toni Gonzaga.

Totoo nga bang may masugid na manliligaw ngayon si Erich?

Tugon ng 27-year-old actress, “Ngayon, hindi talaga ako nag-e-entertain… ang focus ko talaga is nasa trabaho, gusto ko lang mag-work.

“I mean, darating naman yun kung talagang sa iyo ang isang tao, ayaw na nating madaliin ang mga ganyang bagay.

“Friendship lang talaga ang mao-offer natin sa ngayon. If they can wait, why not?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa presscon ng bagong prime time series niya sa ABS-CBN, ang Blood Sisters, na ginanap noong Lunes, February 5.

Ayon pa sa aktres, kahit sa pakikipag-date ay wala siyang oras.

“I’m speaking for myself, okay?

“For me, yung oras na mayroon ako, day-off ko or free time ko, ipapahinga ko na lang talaga or prepare for next taping, for tomorrow.

“Pag may time na mag-rest, rest talaga. While resting, keep reading the script.

“Pero siyempre, pag may time din, huwag mong kalimutan yung mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kaligayahan.

“Like, for me, exercising, working out with my trainer, and playing badminton.”

Source: PEP.PH

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s