Kiko Pangilinan reacts to Sha-Gab reunion

Nakaramdam ba ng selos si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa muling pagtatambal ng kaniyang misis na si Sharon Cuneta at ng dati nitong ka-love team na si Gabby Concepcion?

“Hindi na siguro. Matanda na tayo,” pahayag ni Pangilinan sa panayam ng DZMM, Sabado ng umaga.

Ayon kay Pangilinan, importante umano ang suporta sa mag-asawa. Una na niyang ipinarating ang pagiging proud sa asawa sa isang Twitter post Biyernes ng gabi.

Hindi rin aniya siya aalma sakaling matuloy ang ugong-ugong na proyektong pelikula ng dalawa, na dating mag-asawa.

“Kung ganon kainit ‘yun (commercial), dapat lang. They’re in the showbiz industry and if the public has a clamor for it, I think they should heed the clamor of the public,” sabi pa niya.

Lumabas sa pinakabagong commercial ng McDonald’s sina Cuneta at Concepcion, na hindi nagkita ng ilang taon.

Simula nang ma-upload ang video ng commercial sa Facebook nitong Biyernes, umani na ito ng 2.9 million views at 76,000 shares.

“Sabi ko nga, I have the final say in everything in our marriage: Yes, dear. Ang aming arrangement sa marriage namin simpleng simple lang: ginagawa ni Sharon ang gusto niya at ginagawa ko ‘yung gusto niya. Walang komplikasyon, di ba?” ani Pangilinan.

Source: news.abs-cbn.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s