Pamilya ni Kz Tandingan, ipinagbunyi ang pag-Top niya sa Singer 2018 sa China

Ikinagalak ng pamilya ni KZ Tandingan nang maging Top 1 for the week ito sa Chinese singing competition na “Singer 2018” kung saan dinaig pa niya ang kanyang iniidolo na si Jessie J.

“Yung pagsali niya sa Chinese competition, ipinagdasal ko din yan, lahat ng kanyang nakamtan. Biruin mo, sa kadami-dami ng tao sa Pilipinas, siya yung pinili mag-represent?” ani Tex Tandingan Jr., ama ni KZ.

Ayon sa magulang ni KZ, hindi lubos akalain ng kanilang pamilya na unti-unti nang natutupad ang pangarap ng anak na maging kilala sa larangan ng musika at pag-awit.

Bata pa lang daw si KZ ay nakitaan na umano siya ng potensyal ng kanyang mga magulang ng husay sa pag-awit.

“Three years old pa lang yan, sumasabay na yan sa akin mag karaoke,” kuwento ng kanyang ama.

Pinabilib ni KZ ang maraming Pilipino sa pagsabak niya sa “Singer 2018” nitong nakaraang linggo.

Inulan ng papuri mula sa netizens ang Kapamilya singer matapos niyang kabugin ang kanyang mga katunggali.

Kakaibang twist sa kantang “Rolling In The Deep” ni Adele ang ipinamalas ni KZ sa unang salang niya sa kompetisyon.

Source: news.abs-cbn.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s