Angelica Panganiban, bibigyan ba ng chance si Ex? “Kung huhusayan niya.”

Magkakasunod ang hugot ni Angelica Panganiban tungkol sa pag-ibig sa kanyang recent social media posts.

Nitong Lunes, February 12, nag-promote si Angelica via Instagram ng libro kung saan siya ang nagsulat ng foreword.

Sa caption, may pagtukoy ang aktres sa kanyang mga “ex.”

2

Mensahe niya: “Wala ka bang date ngayong Valentine’s Day? Eto na lang kaya pag tripan natin? Bumili tayo ng libro. Tapos maglaro tayo. Ng feelings. Yung parang ginawa lang din ng mga EX natin.”

Dahil sa post niyang ito, isang netizen sa Twitter ang nagtanong kay Angelica kung posibleng bigyan niya ng second chance ang dating boyfriend.

Tweet ng netizen: “naniniwala ka ba na may second chance si #Ex?”

Sagot ng 31-year-old actress: “Kung huhusayan niya.”

3

Hindi pinangalanan ng netizen kung sinong “ex” ni Angelica ang kanyang tinutukoy.

Sunud-sunod naman ang pag-reply ng mga netizen at itinutukso ang aktres sa dating boyfriend nitong si Carlo Aquino.

Parehong single ngayon ang dalawa.

Bukod kay Carlo, ang dalawa pang naging nobyo ni Angelica mula sa showbiz ay sina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

Noong February 11, Linggo, isang hugot din ang isinagot ni Angelica sa isang comment ng netizen hinggil sa volleyball.

Ikinatuwa ng netizens ang pagiging fan ni Angelica ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP Women’s Volleyball.

Nagpunta pa siya sa Filoil Flying V Centre, sa San Juan City, para suportahan ang kanyang team.

Dahil sa pagiging solid fan ni Angelica, nag-tweet ang netizen at sinabing puwedeng bigyan ng ultimate fan award ang aktres.

Sagot ni Angelica rito: “Oo naman! Kapag ako nagmahal, pangmatagalan!”

4

Source: PEP.PH

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s