Kris Aquino natamaan sa word na “kabit” ng isang netizen

Isa na namang netizen ang binuweltahan ni Kris Aquino dahil sa hindi magandang komento nito tungkol sa kanya sa Instagram.

Ito ay kasunod ng pagsagot niya sa isang basher na tinawag siyang “magnanakaw.”

Sa mga komento sa post ni Kris tungkol sa basher na ito, sinabihan siya ng isa pang follower niya sa Instagram na ang paninira raw sa kapwa ay isang “criminal act.”

Sinabi rin ng Instagram user, na may handle name na @shirtlesspinoy, na ang ilang halimbawa ng criminal acts ay ang pagiging “kabit” o ang manira ng relasyon.

k2

Sinagot ito ni Kris.

k3

 

Ibinigay pang halimbawa ni Kris ang Speaker of the House na si Pantaleon Alvarez na umaming may kabit.

Ibig daw bang sabihin nito ay sangkot din sa isang criminal act ang mambabatas?

Buwelta pa ni Kris sa netizen, “Work on your abs, they are impressive. Your logic, unfortunately, it needs tutoring.”

Rason naman ni @shirtlesspinoy, hindi raw niya sinadyang patamaan si Kris sa sinabi niyang “kabit” dahil halimbawa lang daw ito sa mga sinasabi niyang criminal acts.

k4

Pero sinabi rin nitong techinically ay naging kabit si Kris ni Joey Marquez dahil hindi pa naman daw ito hiwalay kay Alma Moreno noong naging sila.

Sinagot din ng TV host-actress.

k5

NO TO FILING CASES. Isa pang follower ni Kris sa Instagram ang nagomento kung bakit ayaw nitong sampahan ng kaso ang bashers at trolls para matauhan ang mga ito.

k6

Tugon dito ni Kris, mahal masyado ang maghain ng mga reklamo sa korte.

Mas maiging gamitin na lamang daw niya ang pera sa charity institutions na kanyang tinutulungan.

k7

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s