Ellen Adarna tila sinagot ang mga hugot tungkol sa ex ni Angelica Panganiban

Tila may pahaging si Ellen Adarna sa mga hindi maka-let go.

Sa kaniyang Instagram stories, nag-upload si Adarna ng maikling bahagi ng pelikulang “Meet Joe Black” na pinagbibidahan nina Brad Pitt at Anthony Hopkins.

Partikular na kinuhanan ni Adarna ang eksena sa pelikula kung saan tinanong ng karakter ni Hopkins si Pitt: “It’s hard to let go isn’t it?”

(Mahirap magparaya, hindi ba?)

Tumugon sa kaniya ang karakter ni Pitt ng: “Yes, it is, Bill.”

Susunod na sasabihin ng karakter ni Hopkins: “Well, that’s life.”

Ini-upload ang IG stories, ilang oras matapos ding mag-post si Angelica Panganiban tungkol sa librong siya ang nagsulat ng foreword o panimulang teksto.

Caption ni Panganiban sa post: “Wala ka bang date ngayong Valentine’s Day? Eto na lang kaya pag-tripan natin? Bumili tayo ng libro. Tapos maglaro tayo. Ng feelings. ‘Yung parang ginawa lang din ng mga EX natin.”

Kamakailan lang, sinabi ni Panganiban sa kaniyang YouTube serye na #AskAngelica na hindi siya pinalitan ng dating karelasyon, sa halip ay may nang-agaw daw sa kaniyang dating nobyo.

Huling naging nobyo ni Panganiban si John Lloyd Cruz na ngayo’y karelasyon ni Adarna.

Usap-usapang engaged na sina Cruz at Adarna at ipinagbubuntis din ni Adarna ang kanilang panganay.

Kung pagbabasehan din ang social media comments ng followers sa posts nilang dalawa, mukhang bumili na sila ng ari-arian sa Palawan.

Nag-comment din ng “New neighbor!” si Adarna sa IG post ni KC Concepcion ukol sa bagong ari-arian ni Concepcion sa Palawan.

Source: ABS-CBN Entertainment

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s