Pokwang nag-init ang ulo ng sabihang ‘bobong ina’ ng isang netizen

Beast mode si Pokwang matapos siyang akusahan ng ibang netizens na pabaya at “bobong” ina sa kanyang anak na si Malia.

Si Malia ay ang one-month-old baby ng 47-year-old comedienne sa kanyang American partner na si Lee O’Brian.

Nagsimula ito sa maiksing video na in-upload ni Pokwang sa Instagram nitong Martes, February 13.

p2

Dito ay makikitang nakahiga sa sofa si Malia, habang katabi ang dalagang anak ni Pokwang na si Mae, na tila kinukunan ng larawan o video ang kapatid gamit ang cellphone.

Hindi nagtagal, muling nag-post si Pokwang sa Instagram, kalakip ang screenshots ng artikulong galing sa isang blog.

p3

Laman ng artikulo ang pagpuna ng netizens na mahuhulog na raw ang sanggol dahil hindi binabantayang mabuti ng kanyang ate sapagkat busy sa kaka-cellphone nito.

Hindi naman ito pinalampas ni Pokwang.

p4

Sa comments section, nag-react ang isang netizen dahil sa statement ni Pokwang na “makakapatay” siya dahil sa kanyang mga anak.

p5

Hirit pa ng netizen, “Kala ko religious siya.”

Sinagot ito ni Pokwang at dinepensahan ang kanyang pahayag.

p6

Pumanig naman ang maraming netizens kay Pokwang.

Pagtatanggol pa nila, form of expression ang pahayag ni Pokwang na makakapatay ito pagdating sa mga anak. Huwag daw itong gawing literal. PEP.PH

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s