Ruffa Gutierrez’ teenage daughters ‘binastos’ sa Malaysia

Sunud-sunod ang tweets ni Ruffa Gutierrez ngayong Huwebes ng hapon, February 15, tungkol sa pangha-harass umano ng ilang kalalakihan sa kanyang mga anak habang namamasyal sa isang park sa Malaysia.

Dahil sa nangyari, na-trauma raw ang kanyang mga anak na sina Lorin, 14, at Venice, 13.

Sa unang tweet ni Ruffa, sinabi niyang nasa security office sila ng Sunway Lagoon Theme Park upang maghain ng formal complaint laban sa pamunuan ng pasyalan sa Subang Jaya, Malaysia.

r2

Sabi pa ng 43-year-old actress-TV host, “We came here to enjoy with our kids and creepy men are harassing our kids!!! They are now traumatized & want to go home!!!”

Sunod na tweet ni Ruffa, “Theme parks like @SunwayLagoonMY should not let creepy men inside their establishments!!

“Theme parks should be a safe place for children and families to enjoy their holiday!”

r3

Sa ikatlong tweet ni Ruffa, nag-post siya ng video kung saan makikita ang isang grupo ng kalalakihan sa park.

Sa maiksing video, maririnig ang isang babaeng nakikipag-usap sa isang staff member ng theme park at inirereklamo ang grupo ng mga kalalakihang dali-daling lumisan.

Sa tweet na kasama ng video, tinawag ni Ruffa na “disgusting” at “kadiri” ang grupo ng mga kalalakihan dahil sa pagsipol umano ng mga ito sa mga anak nila.

Hindi raw napansin ng mga lalaki si Ruffa nang sipulan ng mga ito ang mga bata. PEP

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s