Kz Tandingan napaiyak sa mensahe ni Jake Zyrus

Hindi na napigilan ni KZ Tandingan ang umiyak matapos mapanood ang mensahe mula kay Jake Zyrus.

Sa “Magandang Buhay” nitong Biyernes, naging emosyonal si KZ sa pagbabahagi ng pagmamahal niya kay Jake Zyrus na dating kilala bilang Charice.

“Para sa kanya ako maiiyak. Mahal ko yan. Bakit ba ako pinapaiyak nitong si Madame? Madame pa rin ang tawag ko sa kanya,” ani KZ na nagsimula nang tumulo ang luha.

“Kasi grabe rin ang pinagdaanan niyan eh. Makikipag-away talaga ako kapag may nang-aaway sa kanya. Mahal na mahal ko ‘yan,” dagdag ni KZ.

Ani KZ, hindi siya makikilala sa kung ano siya ngayon kung hindi sa tulong ni Jake Zyrus na mentor niya sa “The X Factor Philippines” noong 2012.

“Kasi hindi naman ako magiging KZ na kilala niyo ngayon kung hindi dahil sa suporta niya. Yung ibang tao pinagtatawanan siya, inaaway siya. Pero siya ang isa sa mga taong naniwala na kaya ko kaya mahal na mahal ko yan,” ani KZ.

Pakiusap ni KZ, suportahan na lang si Jake Zyrus sa kung saan ito masaya.

“Sana suportahan na lang natin siya kung saan siya masaya kasi hindi naman niya kayo inaano, hayaan na lang natin siyang maging masaya. Mahal na mahal kita Madame,” ani KZ na naniniwalang wala pang puwedeng tumalo sa kayang gawin ni Jake Zyrus.

“Saka mabuting tao siya. Hindi naman niya kasalanan na ganoon ‘yung nararamdaman niya. Hindi naman mali na mag-express ng totoo mong nararamdaman. You can’t just point fingers on people just because you sin differently. What my God taught me is to love everybody despite kung anuman sila, anuman ang pagkatao nila, anuman ang ginawa nila in the past, because judging the people around you is not your job. It’s God’s job. It’s your job to love another,” ani KZ.

Sa huli, nagpasalamat si KZ kay Jake Zyrus at ipinaalala ang kanyang pagmamahal at suporta sa huli.

“Maraming salamat. Mahal na mahal kita alam mo ‘yan. Nandito lang ako palagi tulad noong nandoon ka palagi sa akin nung kailangang-kailangan kita,” ani KZ. ABS-CBN

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s