Xian Lim and Kim Chiu nag-ube-ube daw sa Tagaytay nung Valentines Day!

Game na ikinuwento ni Xian Lim kung paano niya ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso kasama ang umano’y nobya nito na si Kim Chiu.

Sa “Magandang Buhay” nitong Lunes, sinabi ni Xian na sa Tagaytay nila naisipang magpunta.

“Nag-breakfast lang kami roon tapos pumunta sa museum. Pagkatapos nung breakfast, pagkatapos nung museum, saan pa ba puwedeng pumunta. Naalala ko noong bata ako ‘yung Palace in the Sky. So umakyat kami roon,” kuwento ni Xian.

“Nag-ube-ube (ultimate bonding experience),” ani Xian na mga anim na taon na ring nagdiriwang ng Valentine’s Day kasama si Kim.

Ipinaliwanag din ni Xian kung bakit “That One Special Day” ang caption ng kanilang date.

“We have our times na magkasama kami pero madalang lang talaga ‘yung we get the whole day to spend together,” paliwanag ni Xian, na nagsimulang lumabas tuwing Valentine’s Day kasama si Kim noong ginawa nila ang seryeng “My Binondo Girl.”

Pag-amin ni Xian, tulad ng iba, nararanasan din nila ni Kim ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan pero agad din naman nila itong inaayos.

Nang matanong naman kung handa na ba siyang magpakasal, iginiit ni Xian na matagal pa itong mangyayari.

“Naku matagal pa ako. Even nanay ko nga nagtatanong sa akin, ‘Kailan mo gustong mag-settle down?’ ‘Mom, matagal pa ako.’ Ako ‘yung type na I would rather be the provider, ‘yung mature talaga” ani Xian na isa sa mga bida ng pelikulang “Sin Island.” NEWS.ABS-CBN.COM

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s