John Lloyd, Ellen, family & friends spotted in Japan; JAPAN WEDDING, HONEYMOON, OR VACATION?

Sa Osaka, Japan ang destinasyon ng magkasintahang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ilang oras matapos silang makuhanan ng litrato habang nasa Mactan-Cebu International Airport sa Cebu, kahapon, February 20.

Ito ay kasunod ng napabalitang kasalan diumano ng dalawa noong February 15.

Ngunit hindi pa rin kumpirmado hanggang ngayon kung may naganap ngang kasal sa pagitan nila.

Itinanggi na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na siya ang nag-officiate sa sinasabing civil wedding nina John Lloyd at Ellen.

JAPAN WEDDING, HONEYMOON, OR VACATION? Sa mga naglabasang litrato na kuha sa Kansai International Airport, sa Osaka, Japan, makikitang pareho pa rin ang suot ni John Lloyd sa larawang kuha sa kanila ni Ellen sa Mactan-Cebu International Airport.

Makikita namang nagsuot na ng jacket si Ellen habang nakapila sa immigration sa Kansai International Airport.

Sa latest Instagram post ni John Lloyd, kinumpirma niyang nasa Osaka nga sila ng sexy star.

chasing reflections in osaka

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Sabi niya sa caption ng kanyang post, “Chasing reflections in Osaka.”

Ayon sa PEP, napag-alaman na may ibang mga kamag-anak at kaibigan sina Ellen at John Lloyd na bumiyahe rin patungong Japan.

Ang kapatid ni Ellen na si Rico Adarna ay nasa Tokyo, Japan, kasama ang girlfriend nitong si Louise Tabaquero.

jl4jl5

Ang matalik na kaibigan ni Ellen na si Kim Araneta ay kasama rin nina Rico at Louise sa nasabing biyahe.

jl6

Si Kim ay kasama rin sa Bantayan Island escapade nina John Lloyd at Ellen noong September 2017.

Kung hindi natuloy ang kasal nina John Lloyd at Ellen sa Pilipinas, ibig bang sabihin nito ay sa Japan ito gagawin?

O kung natuloy man, ito na ba ang honeymoon nila?

O normal na bakasyon lamang ito ng magkakaibigan?

Source: PEP

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s