Angelica Panganiban sinagot kung sino ang pinatatamaan sa kanyang mga hugot

Si John Lloyd Cruz nga ba talaga ang pinariringgan ni Angelica Panganiban sa kaniyang mga “hugot” statement tungkol sa isang ex?

Iyan ang tahasang tanong kay Panganiban matapos ang two-night sold-out concert ni Moira dela Torre noong weekend kung saan nag-perform ang aktres ng isang spoken word piece.

Giit ni Panganiban, malaya ang taumbayang humusga at manghula kung sino ang kaniyang pinatatamaan pero karapatan aniya maglabas ng hinanakit bilang isang “nasaktan.”

“Sorry ha pero hindi lang naman siya ‘yung naging naka-relasyon ko. Puwede naman tayong mag-assume lahat… Sila na ang bahala dun. Nagsalita ako, sinabi ko ang gusto ko, freedom ko ‘yun, freedom ng mga nasaktan at nagmahal ‘yun,” ani Angelica.

Si Cruz ay kasalukuyang karelasyon ang aktres na si Ellen Adarna, na di umano’y nagdadalang-tao.

Hindi ito ang unang pagkakataong inilantad ni Panganiban ang kaniyang mga hinanakit sa “ex” sa pamamagitan ng hugot.

Madalas din mag-viral ang mga “patama” ni Panganiban sa kaniyang Youtube show na “Ask Angelica.” Source: ABS_CBN

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s