courtesy: news.abs-cbn.com

Isang retiradong pulis na katatanggap lang ng kanyang retirement benefits na nagkakahalaga ng P2 milyon pesos ang nanakawan madaling araw noong Biyernes.

Dumalo umano ang biktima sa isang birthday party at ipinarada ang kanyang sasakyan malapit sa bahay ng kanyang kaibigan. Pagbalik niya sa sasakyan doon niya napag-alaman na wala na ang kanyang backpack kung saan nakalagay ang P2 milyon, pati ang kanyang wallet na naglalaman ng P25,000 pesos ay wala rin.

Walang basag na salamin sa sasakyan. Naiwan lang umano niyang bukas ang pinto ng kotse.

media/news source:tps://news.abs-cbn.com/news/07/28/19/retiradong-pulis-nawalan-ng-p2-milyoncc