Tag: Ellen Adarna

Angelica Panganiban sinagot kung sino ang pinatatamaan sa kanyang mga hugot

Si John Lloyd Cruz nga ba talaga ang pinariringgan ni Angelica Panganiban sa kaniyang mga “hugot” statement tungkol sa isang ex?

Iyan ang tahasang tanong kay Panganiban matapos ang two-night sold-out concert ni Moira dela Torre noong weekend kung saan nag-perform ang aktres ng isang spoken word piece.

Giit ni Panganiban, malaya ang taumbayang humusga at manghula kung sino ang kaniyang pinatatamaan pero karapatan aniya maglabas ng hinanakit bilang isang “nasaktan.”

“Sorry ha pero hindi lang naman siya ‘yung naging naka-relasyon ko. Puwede naman tayong mag-assume lahat… Sila na ang bahala dun. Nagsalita ako, sinabi ko ang gusto ko, freedom ko ‘yun, freedom ng mga nasaktan at nagmahal ‘yun,” ani Angelica.

Si Cruz ay kasalukuyang karelasyon ang aktres na si Ellen Adarna, na di umano’y nagdadalang-tao.

Hindi ito ang unang pagkakataong inilantad ni Panganiban ang kaniyang mga hinanakit sa “ex” sa pamamagitan ng hugot.

Madalas din mag-viral ang mga “patama” ni Panganiban sa kaniyang Youtube show na “Ask Angelica.” Source: ABS_CBN

 

Advertisements

John Lloyd, Ellen, family & friends spotted in Japan; JAPAN WEDDING, HONEYMOON, OR VACATION?

Sa Osaka, Japan ang destinasyon ng magkasintahang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ilang oras matapos silang makuhanan ng litrato habang nasa Mactan-Cebu International Airport sa Cebu, kahapon, February 20.

Ito ay kasunod ng napabalitang kasalan diumano ng dalawa noong February 15.

Ngunit hindi pa rin kumpirmado hanggang ngayon kung may naganap ngang kasal sa pagitan nila.

Itinanggi na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na siya ang nag-officiate sa sinasabing civil wedding nina John Lloyd at Ellen.

JAPAN WEDDING, HONEYMOON, OR VACATION? Sa mga naglabasang litrato na kuha sa Kansai International Airport, sa Osaka, Japan, makikitang pareho pa rin ang suot ni John Lloyd sa larawang kuha sa kanila ni Ellen sa Mactan-Cebu International Airport.

Makikita namang nagsuot na ng jacket si Ellen habang nakapila sa immigration sa Kansai International Airport.

Sa latest Instagram post ni John Lloyd, kinumpirma niyang nasa Osaka nga sila ng sexy star.

chasing reflections in osaka

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Sabi niya sa caption ng kanyang post, “Chasing reflections in Osaka.”

Ayon sa PEP, napag-alaman na may ibang mga kamag-anak at kaibigan sina Ellen at John Lloyd na bumiyahe rin patungong Japan.

Ang kapatid ni Ellen na si Rico Adarna ay nasa Tokyo, Japan, kasama ang girlfriend nitong si Louise Tabaquero.

jl4jl5

Ang matalik na kaibigan ni Ellen na si Kim Araneta ay kasama rin nina Rico at Louise sa nasabing biyahe.

jl6

Si Kim ay kasama rin sa Bantayan Island escapade nina John Lloyd at Ellen noong September 2017.

Kung hindi natuloy ang kasal nina John Lloyd at Ellen sa Pilipinas, ibig bang sabihin nito ay sa Japan ito gagawin?

O kung natuloy man, ito na ba ang honeymoon nila?

O normal na bakasyon lamang ito ng magkakaibigan?

Source: PEP

Angelica Panganiban: ‘Bakit ba lagi akong iniiwan?’ hugot

Angelica Panganiban’s surprise appearance at the concert of Moira dela Torre on Sunday was initially met with laughs and loud applause, but the audience quickly turned silent when the actress appeared increasingly serious with her soul-baring spoken word poetry.

“Bakit ba lagi akong iniiwan? Bakit lagi akong nasasaktan?” were Panganiban’s first two sentences, both drawing cheers for the actress dubbed local showbiz’s “Hugot Queen.”

Panganiban said: “Aabot ka doon sa mauubusan ka ng mga ‘bakit,’ mauubusan ng sigla, ng gana. Pu-puwede ka pala nilang tapusin, pu-puwede ka palang mamatay. At kapag doon, nakabaon ka na sa sobrang kalungkutan, doon ka na babangon.

“Sa sarili ka lang kakapit, sa sarili ka maniniwala’t magtitiwala. Sa sarili ka muna magsisimula. Pag buo mo na ang lahat ng nasira sa ‘yo, dahan-dahan, doon mo tatapusin ang mahirapan, doon mo tatapusin ang maawa sa sarili, doon ka na lalaban, doon mo na iiwan ang pagiging duwag. Iwan mo sa mga naging duwag na mahalin ka.

“At dahan-dahan, mapapalitan ang lahat ng ‘bakit’ ng pasasalamat. Maiisip mo, ibabalik ng tadhana ang lahat ng nakalaan sa ‘yo, at dahan-dahan, mararamdaman mong muling mabuhay sa bagong liwanag ng ikaw, na ikaw lang ang bumuo.

“Makikita mong hinahanda ka lang pala ng Bathala para sa nakatadhana, para sa mas matibay na ikaw, mas matapang, para sa bagong buhay, bagong pagmamahal, at bagong ikaw.”

Panganiban has been open about her heartbreak in her numerous interviews. While she wouldn’t explicitly identify the ex-boyfriend in question, the actress hinted at circumstances surrounding the failed relationship

Panganiban is one of the co-producers of the singer’s show, along with fellow Kapamilya stars Sam Milby and John Prats under Bright Bulb Productions. NEWS.ABS-CBN.COM

Ellen Adarna tila sinagot ang mga hugot tungkol sa ex ni Angelica Panganiban

Tila may pahaging si Ellen Adarna sa mga hindi maka-let go.

Sa kaniyang Instagram stories, nag-upload si Adarna ng maikling bahagi ng pelikulang “Meet Joe Black” na pinagbibidahan nina Brad Pitt at Anthony Hopkins.

Partikular na kinuhanan ni Adarna ang eksena sa pelikula kung saan tinanong ng karakter ni Hopkins si Pitt: “It’s hard to let go isn’t it?”

(Mahirap magparaya, hindi ba?)

Tumugon sa kaniya ang karakter ni Pitt ng: “Yes, it is, Bill.”

Susunod na sasabihin ng karakter ni Hopkins: “Well, that’s life.”

Ini-upload ang IG stories, ilang oras matapos ding mag-post si Angelica Panganiban tungkol sa librong siya ang nagsulat ng foreword o panimulang teksto.

Caption ni Panganiban sa post: “Wala ka bang date ngayong Valentine’s Day? Eto na lang kaya pag-tripan natin? Bumili tayo ng libro. Tapos maglaro tayo. Ng feelings. ‘Yung parang ginawa lang din ng mga EX natin.”

Kamakailan lang, sinabi ni Panganiban sa kaniyang YouTube serye na #AskAngelica na hindi siya pinalitan ng dating karelasyon, sa halip ay may nang-agaw daw sa kaniyang dating nobyo.

Huling naging nobyo ni Panganiban si John Lloyd Cruz na ngayo’y karelasyon ni Adarna.

Usap-usapang engaged na sina Cruz at Adarna at ipinagbubuntis din ni Adarna ang kanilang panganay.

Kung pagbabasehan din ang social media comments ng followers sa posts nilang dalawa, mukhang bumili na sila ng ari-arian sa Palawan.

Nag-comment din ng “New neighbor!” si Adarna sa IG post ni KC Concepcion ukol sa bagong ari-arian ni Concepcion sa Palawan.

Source: ABS-CBN Entertainment

 

Ellen Adarna sinagot ang tanong tungkol sa ex ni John LLoyd na hindi maka-move-on

Kahapon, February 4, nag-post si Ellen Adarna sa Instagram ng throwback photo kung saan kasama niya ang boyfriend na si John Lloyd Cruz at ang anak ng kaibigang si Beauty Gonzalez.

Isang follower ang nagkomento, sa wikang Bisaya, tungkol sa isang “feelingera” na hindi pa raw nakaka-“move on.”

Ayon kay @ofw_hinanaings, “Besh, pasuyaa ug maayo tong feelingera besh bhe kay makalagot sya di gihapon ka move on uy!!! Peshtey!!!”

(Besh, pagselosin mo lalo yung nagpi-feeling besh ha, kasi nakakainis na siya hindi pa talaga maka-move on uy!!! Peste!!!)

Sagot dito ni Ellen, “@ofw_hinanaings makaingun to ug ‘ay kog labda dzai.’”

(Sasabihin nun, ‘Huwag niyo akong gawing sakit ng ulo, ‘Dai.’)

Nitong mga nakaraang linggo ay naghayag si Angelica Panganiban ng hugot lines tungkol sa kanyang ex-boyfriend at sa bago nitong karelasyon.

Wala mang binanggit na pangalan ang Kapamilya actress, marami ang naniniwalang ang tinutukoy niya ay ang ex-boyfriend na si John Lloyd at ang girlfriend ngayon ng aktor na si Ellen.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin ni Ellen sa publiko ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Late last year, eksklusibong ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang pagdadalantao sa una nilang anak ni John Lloyd.

Nag-leave of absence si John Lloyd sa showbiz at simula noon, madalas na silang makitang magkasama ni Ellen.

Napapabalita pa ngang nagpaplano na silang magpakasal at magpapatayo na ng sariling bahay.