Tag: featured

Angelica Panganiban sinagot kung sino ang pinatatamaan sa kanyang mga hugot

Si John Lloyd Cruz nga ba talaga ang pinariringgan ni Angelica Panganiban sa kaniyang mga “hugot” statement tungkol sa isang ex?

Iyan ang tahasang tanong kay Panganiban matapos ang two-night sold-out concert ni Moira dela Torre noong weekend kung saan nag-perform ang aktres ng isang spoken word piece.

Giit ni Panganiban, malaya ang taumbayang humusga at manghula kung sino ang kaniyang pinatatamaan pero karapatan aniya maglabas ng hinanakit bilang isang “nasaktan.”

“Sorry ha pero hindi lang naman siya ‘yung naging naka-relasyon ko. Puwede naman tayong mag-assume lahat… Sila na ang bahala dun. Nagsalita ako, sinabi ko ang gusto ko, freedom ko ‘yun, freedom ng mga nasaktan at nagmahal ‘yun,” ani Angelica.

Si Cruz ay kasalukuyang karelasyon ang aktres na si Ellen Adarna, na di umano’y nagdadalang-tao.

Hindi ito ang unang pagkakataong inilantad ni Panganiban ang kaniyang mga hinanakit sa “ex” sa pamamagitan ng hugot.

Madalas din mag-viral ang mga “patama” ni Panganiban sa kaniyang Youtube show na “Ask Angelica.” Source: ABS_CBN

 

Advertisements

John Lloyd, Ellen, family & friends spotted in Japan; JAPAN WEDDING, HONEYMOON, OR VACATION?

Sa Osaka, Japan ang destinasyon ng magkasintahang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ilang oras matapos silang makuhanan ng litrato habang nasa Mactan-Cebu International Airport sa Cebu, kahapon, February 20.

#ellenadarna #johnlloydcruz #ctto #notmyphoto

A post shared by Team Baby Love (@jlc_ellen) on

#ellenadarna #johnlloydcruz #ctto #notmyphoto

A post shared by Team Baby Love (@jlc_ellen) on

Ito ay kasunod ng napabalitang kasalan diumano ng dalawa noong February 15.

Ngunit hindi pa rin kumpirmado hanggang ngayon kung may naganap ngang kasal sa pagitan nila.

Itinanggi na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na siya ang nag-officiate sa sinasabing civil wedding nina John Lloyd at Ellen.

JAPAN WEDDING, HONEYMOON, OR VACATION? Sa mga naglabasang litrato na kuha sa Kansai International Airport, sa Osaka, Japan, makikitang pareho pa rin ang suot ni John Lloyd sa larawang kuha sa kanila ni Ellen sa Mactan-Cebu International Airport.

Makikita namang nagsuot na ng jacket si Ellen habang nakapila sa immigration sa Kansai International Airport.

Sa latest Instagram post ni John Lloyd, kinumpirma niyang nasa Osaka nga sila ng sexy star.

chasing reflections in osaka

A post shared by portal (@ekomsi) on

Sabi niya sa caption ng kanyang post, “Chasing reflections in Osaka.”

Ayon sa PEP, napag-alaman na may ibang mga kamag-anak at kaibigan sina Ellen at John Lloyd na bumiyahe rin patungong Japan.

Ang kapatid ni Ellen na si Rico Adarna ay nasa Tokyo, Japan, kasama ang girlfriend nitong si Louise Tabaquero.

jl4jl5

Ang matalik na kaibigan ni Ellen na si Kim Araneta ay kasama rin nina Rico at Louise sa nasabing biyahe.

jl6

Si Kim ay kasama rin sa Bantayan Island escapade nina John Lloyd at Ellen noong September 2017.

Kung hindi natuloy ang kasal nina John Lloyd at Ellen sa Pilipinas, ibig bang sabihin nito ay sa Japan ito gagawin?

O kung natuloy man, ito na ba ang honeymoon nila?

O normal na bakasyon lamang ito ng magkakaibigan?

Source: PEP

Nathalie Hart explains viral photo with James Reid

“No, no way!”

Ito ang mabilis na sagot ni Nathalie Hart nang tanungin siya ni Boy Abunda kung naging boyfriend ba niya si James Reid.

Special guest ang Sin Island actress sa episode ng Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN kagabi, February 21.

n5

 

Dito ay tinanong si Nathalie sa ilang isyung kinasangkutan niya.

Kabilang dito ang pagkaka-link niya kay James, matapos kumalat sa internet noong 2014 ang larawan nilang dalawa kung saan akmang hahalikan siya ng Viva actor.

Ipinakita ito sa screen habang ini-interview ni Boy si Nathalie.

“Oh, my god, it’s so embarrassing!

“Oh, my god, wait, na-stress ako dun, ah!” sabi ni Nathalie, na kapansin-pansing tila naguluhan sa mga pangyayari.

Naging maingat din siya sa kanyang mga sumunod na pahayag ukol dito.

“Baka ma-bash nila ako nang bongga,” aniya.

Paglilinaw ni Nathalie, “Wala akong ginagawa at saka, first of all, that was before they were together, okay.

“Before they were together, James and Nadine.”

Malinaw naman na hindi na isyu ito ngayon sapagkat masaya na sina Nathalie at James sa kani-kanilang mga relasyon.

Ipinagdiriwang nina James at Nadine Lustre ang kanilang second anniversary bilang magkasintahan ngayong February.

Samantala, si Nathalie ay nag-e-enjoy sa relasyon nila ng kanyang Spanish boyfriend.

Source: PEP

 

Kathryn Bernardo reacts to Robi Domingo’s Daniel-Liza viral video

Kathryn Bernardo did not hesitate to answer when asked about a video posted by her friend and “ASAP” co-star Robi Domingo, which unintentionally sowed intrigue among fans of the young superstar and those of fellow Star Magic talent Liza Soberano.

“Wala sa aking problema ‘yon,” Bernardo answered confidently. “Hindi nga sa akin isyu ‘yun, e. Tumawag si Robi, nag-sorry siya, wala siyang intensyon… Kilala ko si Robi, alam ko na wala ‘yun.”

She continued: “Siguro namali lang ‘yung pagkaka-interpret ng ibang tao. Importante naman okay kaming dalawa. Na-settle. Parang hindi ko siya masyado pinansin na isyu naman.”

However, Robi Domingo maintained he is unaffacted because he knows the “real score” of the two love teams at the center of the issue.

“It’s all good, don’t be discouraged,” he said. “‘Yung iba siguro naapektuhan because of the insecurity. [They] don’t have to be insecure about everything, kasi mismo ‘yung mga iniidolo natin — ‘KathNiel’ and ‘LizQuen’ — solid ‘yan. On- and off-cam, solid sila, solid silang dalawa.”

Luis Manzano: Saan nga ba gusto ganapin ang kasal?

Muling uminit ang pangungulit kay Luis Manzano tungkol sa usapin kung kailan na nga ba magaganap ang kasalan sa pagitan nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola.

Sagot ni Luis, relax lang at dadating din sa kasalan ang lahat.

“Hindi ko naman itinatago… soon ‘yun naman talaga, ‘yun ang goal naming lahat. Kumbaga sa biyahe, nasa itinerary ‘yan,” ani Luis.

Mukhang planado na rin ni Luis kung kailan ang tamang pagkakataon para mag-propose kay Jessy.

“Ako naman anytime okay ako.Sabi ko mas ginugusto ko sundan ang timeline niya,” ani Luis.

“Secret na ‘yun kung kailan mangyayari. Sabi ko nga sa kanya, mangyayari ‘yun kapag naka-ano na ang guard mo. Siyempre tinatanong ng lahat, maraming nag-e-expect, so kung kailan mo least expected,” dagdag ng host.

At kung venue ng kasalan ang itatanong, mukhang ready na rin si Luis at may mga listahan na ng lugar na kailangang bisitahin para makapagdesisyon kung saan magaganap ang seremonya.

“Destination wedding siguro. Iniisip namin kung saan pa may mga choices na kaming iniisip. Kailangan namin syempre pumunta kung saan man ‘yon para ma-ocular, ika nga,” ani Luis na iniisip na magpakasal abroad.

Kung magaganap na nga ang pagmamartsa ni Luis sa altar, wala na raw pinaka-excited sa lahat ng ito kung hindi sina Vilma Santos at Edu Manzano na mga magulang niya.

“Kung excited ako, mas excited siya (mommy). Sabi ko nga, sila ni daddy mas pinu-push ‘yung apo eh. Sabi ko naman, in due time,” ani Luis.

Ngayon, kayod muna si Luis at tutok sa kanyang career at regular na napapanood sa “I Can See Your Voice” sa ABS-CBN. ABS-CBN NEWS

Carlo Aquino napa-hugot din dahil sa tweet ng #hugotqueen Angelica Panganiban

Angelica Panganiban caught the attention of netizens when she posted a cryptic post on Sunday, February 18. The actress tweeted, “Ikamamatay ko itong kaba na nararamdaman ko.” Netizens were quick to comment about Angelica’s post, trying to guess what made the actress nervous.

AC3

Even Angelica’s former lover Carlo Aquino commented on the tweet of the actress saying, “Hindi ka naman namatay. Bumangon ka sa paghimlay. Pinakita mong sila ang patay pag nakabangon ka!”

AC2

 

A lot of Carlo’s followers commended the actor for his inspiring words for Angelica.

AC5

Angelica Panganiban: ‘Bakit ba lagi akong iniiwan?’ hugot

Angelica Panganiban’s surprise appearance at the concert of Moira dela Torre on Sunday was initially met with laughs and loud applause, but the audience quickly turned silent when the actress appeared increasingly serious with her soul-baring spoken word poetry.

“Bakit ba lagi akong iniiwan? Bakit lagi akong nasasaktan?” were Panganiban’s first two sentences, both drawing cheers for the actress dubbed local showbiz’s “Hugot Queen.”

Panganiban said: “Aabot ka doon sa mauubusan ka ng mga ‘bakit,’ mauubusan ng sigla, ng gana. Pu-puwede ka pala nilang tapusin, pu-puwede ka palang mamatay. At kapag doon, nakabaon ka na sa sobrang kalungkutan, doon ka na babangon.

“Sa sarili ka lang kakapit, sa sarili ka maniniwala’t magtitiwala. Sa sarili ka muna magsisimula. Pag buo mo na ang lahat ng nasira sa ‘yo, dahan-dahan, doon mo tatapusin ang mahirapan, doon mo tatapusin ang maawa sa sarili, doon ka na lalaban, doon mo na iiwan ang pagiging duwag. Iwan mo sa mga naging duwag na mahalin ka.

“At dahan-dahan, mapapalitan ang lahat ng ‘bakit’ ng pasasalamat. Maiisip mo, ibabalik ng tadhana ang lahat ng nakalaan sa ‘yo, at dahan-dahan, mararamdaman mong muling mabuhay sa bagong liwanag ng ikaw, na ikaw lang ang bumuo.

“Makikita mong hinahanda ka lang pala ng Bathala para sa nakatadhana, para sa mas matibay na ikaw, mas matapang, para sa bagong buhay, bagong pagmamahal, at bagong ikaw.”

Panganiban has been open about her heartbreak in her numerous interviews. While she wouldn’t explicitly identify the ex-boyfriend in question, the actress hinted at circumstances surrounding the failed relationship

Panganiban is one of the co-producers of the singer’s show, along with fellow Kapamilya stars Sam Milby and John Prats under Bright Bulb Productions. NEWS.ABS-CBN.COM

Why Regine Velasquez won’t attend Sarah Geronimo’s concert?

Isa si Asia’s Songbird Regine Velasquez na kilalang malapit kay Popstar Royalty Sarah Geronimo na magdiriwang na ng kanyang 15th year anniversary in the business.

Kaya naman simula nang i-anunsyo ng This Is Me Concert producer at ni Sarah sa kanilang mga social media accounts ang detalye ng concert, aminado si Regine na nakaramdam siya ng panghihinayang para dito.

Ayon kasi kay Songbird, nagkaroon ng conflict ang schedule niya sa araw mismo ng concert ni Sarah na April 14, 2018 sa Araneta Coliseum.

“I feel sad nga that I won’t be able to be there. I’m part of it (Sarah’s career) di ba since the beginning? I feel bad that I won’t be able to,” pahayag ni Regine sa naging press conference #paMORE.

Paliwanag pa ni Songbird, gustong-gusto niya na maging parte ng milestone ni Sarah G na isa sa maituturing niyang isa sa kanyang anak-anakan sa industriya simula itanghal itong Grand Champion sa kanyang singing show na Star for a Night noong 2003.

“I really want to, kaya lang mayroon akong conflict sa schedule and last year pa kasi yun,” sabi pa ni Regine. PUSH

Maymay at Kisses may mensahe sa mga nag-aaway-away na mga fans nila!

May mensahe sina Maymay Entrata at Kisses Delavin sa kanilang mga fans.

Nagpasalamat ang dalawa sa suportang ibinibigay ng kanilang mga fans sa kanila, pero sinabihan rin nila ang mga ito na iwasan ang pangba-bash sa isa’t isa.

Ito ay matapos makarating kay Maymay at Kisses na may mga ilan silang mga fans na sinisiraan ang isa’t isa.

May mga fans umano si Kisses na naninira kay Maymay, at may ilan namang mga fans si Maymay na naninira kay Kisses.

“Mahal ko si Kisses, at kung sisiraan niyo ang mahal ko, masasaktan din ako,” ani Maymay.

news.abs-cbn.com

Xian Lim and Kim Chiu nag-ube-ube daw sa Tagaytay nung Valentines Day!

Game na ikinuwento ni Xian Lim kung paano niya ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso kasama ang umano’y nobya nito na si Kim Chiu.

Sa “Magandang Buhay” nitong Lunes, sinabi ni Xian na sa Tagaytay nila naisipang magpunta.

“Nag-breakfast lang kami roon tapos pumunta sa museum. Pagkatapos nung breakfast, pagkatapos nung museum, saan pa ba puwedeng pumunta. Naalala ko noong bata ako ‘yung Palace in the Sky. So umakyat kami roon,” kuwento ni Xian.

“Nag-ube-ube (ultimate bonding experience),” ani Xian na mga anim na taon na ring nagdiriwang ng Valentine’s Day kasama si Kim.

Ipinaliwanag din ni Xian kung bakit “That One Special Day” ang caption ng kanilang date.

“We have our times na magkasama kami pero madalang lang talaga ‘yung we get the whole day to spend together,” paliwanag ni Xian, na nagsimulang lumabas tuwing Valentine’s Day kasama si Kim noong ginawa nila ang seryeng “My Binondo Girl.”

Pag-amin ni Xian, tulad ng iba, nararanasan din nila ni Kim ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan pero agad din naman nila itong inaayos.

Nang matanong naman kung handa na ba siyang magpakasal, iginiit ni Xian na matagal pa itong mangyayari.

“Naku matagal pa ako. Even nanay ko nga nagtatanong sa akin, ‘Kailan mo gustong mag-settle down?’ ‘Mom, matagal pa ako.’ Ako ‘yung type na I would rather be the provider, ‘yung mature talaga” ani Xian na isa sa mga bida ng pelikulang “Sin Island.” NEWS.ABS-CBN.COM