Tag: Nathalie Hart

Nathalie Hart explains viral photo with James Reid

“No, no way!”

Ito ang mabilis na sagot ni Nathalie Hart nang tanungin siya ni Boy Abunda kung naging boyfriend ba niya si James Reid.

Special guest ang Sin Island actress sa episode ng Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN kagabi, February 21.

n5

 

Dito ay tinanong si Nathalie sa ilang isyung kinasangkutan niya.

Kabilang dito ang pagkaka-link niya kay James, matapos kumalat sa internet noong 2014 ang larawan nilang dalawa kung saan akmang hahalikan siya ng Viva actor.

Ipinakita ito sa screen habang ini-interview ni Boy si Nathalie.

“Oh, my god, it’s so embarrassing!

“Oh, my god, wait, na-stress ako dun, ah!” sabi ni Nathalie, na kapansin-pansing tila naguluhan sa mga pangyayari.

Naging maingat din siya sa kanyang mga sumunod na pahayag ukol dito.

“Baka ma-bash nila ako nang bongga,” aniya.

Paglilinaw ni Nathalie, “Wala akong ginagawa at saka, first of all, that was before they were together, okay.

“Before they were together, James and Nadine.”

Malinaw naman na hindi na isyu ito ngayon sapagkat masaya na sina Nathalie at James sa kani-kanilang mga relasyon.

Ipinagdiriwang nina James at Nadine Lustre ang kanilang second anniversary bilang magkasintahan ngayong February.

Samantala, si Nathalie ay nag-e-enjoy sa relasyon nila ng kanyang Spanish boyfriend.

Source: PEP

 

Advertisements