Tag: Robin Padilla

Sa kaarawan ni Mariel Rodriguez, inamin ng asawa niyang si Robin Padilla na may depression na pinagdadaanan si Mariel ngunit wala siyang oras na isipin ito dahil sobrang busy na niya sa kanilang anak na si Maria Isabella.

“When shes not pumping for breastmilk she’s preparing soft food for her, she sleeps only when Isabella is asleep and when Isabella is awake they read books and play together for hours…. when she’s relaxing she prepares my food and my bed,” kwento ng action star.

Dagdag pa niya, wala na raw oras si Mariel para sa kanyang sarili.

“She totally forgot who she is…… or My mariel is reborn… not our fashion guru but a struggling mother who will give everything for her child,” ani Robin.

Marami ang naantig sa mensaheng ito ni Robin at natuwa dahil isang hands on mommy si Mariel.

Advertisements